Ngayong araw ay namahagi ang PCCI Lipa City ng 10 unit ng Juki high sewing machines sa New Municipal Building, Barangay Bayanan, Pola, Oriental Mindoro na lubhang naapektuhan ng oil spill.
Layunin ng PCCI Lipa na mabigyan ng livelihood tools ang mga pamilyang naapektuhan ng Pola, lalo ang kanilang hanap buhay upang makagawa ng mga eco bag at basahan kaya lubos ang pasasalamat ni Mayor Cruz sa inisyatibong ito ng PCCI Lipa na pinangunahan ni project Chairman Noel Camo, President May Ann Katigbak at kasama ang ibang PCCI members na sina Treasurer Mel Alfonso, Mr. Joseph Katigbak, Ms. Tess Jumarang, Mr. Jherald Espeleta, Mrs. Rassel Joyce Espeleta, Mr. Jameson Rieta, at ang mga miyembro na nagtulong-tulong sa kontribusyon sa pagbili ng makina, dagdag pa rito nagbigay naman si Mr. Romel Amazona ng retaso ng tela, panahi at karayom para sa makina.
Pormal naman naipagkaloob ang naturang units kay Pola Mayor Jennifer Cruz, para ipamahagi sa sampung barangay sa kanyang bayan.
#PCCILipaCity
#VoiceofBusiness